Akbayan Youth, 40 youth groups inihirit sa Comelec ang extension ng voter’s registration
By Jan Escosio August 31, 2021 - 12:00 PM
Isinumite ng Akbayan Youth ang isang letter-petition sa Commission on Elections (COMELEC) at hiniling na mapalawig hanggang sa darating na Enero ang voter’s registration.
Sinabi ni Dr. RJ Naguit, tagapagsalita ng Akbayan Youth, ang petisyon ay pirmado ng higit 40 grupo ng mga kabataan at estudyante.
Paliwanag ni Naguit nais lang naman nila na mabawi ang mga nawalang araw para sa pagpaparehistro ng mga bagong botante bunga ng pagsuspindi ng Comelec dahil sa pagpapa-iral ng enhanced community quarantine (ECQ).
“The pandemic has already stolen so much from us. Huwag naman hayaan ng Comelec na pati ang karapatan mag-rehistro at bumuto ng kabataan at mamamayan ay agawin ng pandemiya,” ayon pa kay Naguit.
Una nang sinabi ng Comelec n hindi na palalawigin ang voter’s registration para hindi mabitin ang kanilang paghahanda sa May 2022 national and local elections.
Ayon din sa Comelec may 61 milyon nang rehistradong botante sa bansa, ngunit sinabi ni Naguit mababa ang bilang base sa dapat na 73.3 milyon dapat na rehistradong botante.
Aniya 25 milyon sa dapat na bilang ay kabataan.
Ang voter’s registration ay magtatapos sa Setyembre 30 ngunit may mga lugar na sinuspindi ito dahil sa pag-iral ng ECQ at modified ECQ.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.