Nilinaw ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na government-to-government arrangements lamang ang pagtanggap ng Pilipinas ng refugees sa Afghanistan.
Sa budget hearing sa House committee on appropriations, sinabi ni Locsin na patuloy na mag-aabot ng tulong ang Pilipinas sa Afghanistan.
Sinabi pa ni Locsin na hindi itutulak ng pamahalaan ang pagbibigay ng asylum kung walang pakikipag-ugnayan ang pamahalaan ng Afghanistan.
Hindi aniya tatanggapin ng Pilipinas ang mga refugees na idadaan sa pribadong sektor.
Matatandaang kinubkob ng grupong Taliban ang pamahalaan ng Afghanistan.
Sa ngayon, 24 Filipino pa ang nanatili sa Kabul.
Aabot na sa 187 na Filipino ang na-evacuate ng Pilipinas sa Afghanistan.
MOST READ
LATEST STORIES