Chinese businessman Michael Yang ipinagtanggol ni Pangulong Duterte
Dinepensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang negosyantneng Chinese na si Michael Yang matapos madawit sa kontrobersiyal na pagbili sa umanoý overprice na face mask at face shield na binili ng Department of Budget and Management.
Ayon sa Pangulo, may 20 taon nang nagne-negosyo si Yang at nagsimula sa Davao.
Sinabi pa ng Pangulo na hindi si Yang ang negosyanteng Intsik na kinukunan niya ng pera.
Matatandaang sa Senate hearing noong nakaraang linggo, ipinakita ni Senador Richard Gordon ang kuha ng Radio Television Malacanang na nagkaroon ng pagpupulong si Pangulong Duterte at Yang kasama ang mga opisyal ng Pharmally Pharmaceuticals na nasasangkot sa pagbili ng mga overprice na face mask at face shield.
Tanong ng Pangulo, akala niya ba ay nanghihikayat ang Pilipinas ng mga investors? Ito aniya ang dahilan kung kaya ilang beses na siyang bumisita sa China para mag-imbita ng mga negosyante na mamuhunan sa bansa.
Matatandaang naging presidential adviser on economic affairs si Yang ni Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.