Senador Imee Marcos nais tumakbong bise presidente at makatandem si Mayor Sara Duterte

By Chona Yu August 31, 2021 - 09:48 AM

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais ni Senador Imee Marcos na maging ka-running mate ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte kung tatakbong pangulo ng bansa sa 2022 national elections.

Ayon sa Pangulo, kaya panay ang dalaw ni Marcos kay Mayor Sara sa Davao sa pag-asang makukumbinsi ang kanyang anak na tumakbong pangulo.

Pero ayon kay Pangulong Duterte, walang interes si Mayor Sara na tumakbong pangulo ng bansa.

Ayon sa Pangulo, ito ang dahilan kung kaya nagka-interes siyang tumakbong bise presidente sa susunod na eleksyon.

Tiyak kasi aniyang hindi mananalo ang opisyson.

Sigurado ang Pangulo na matatalo na naman ang mga kandidato ng oposisyon na Otso Diretso gaya ng nangyari noong 2019 elections.

 

 

 

TAGS: Mayor Sara Duterte, Pangulong Rodrigo Duterte, Senator Imee Marcos, vice president, Mayor Sara Duterte, Pangulong Rodrigo Duterte, Senator Imee Marcos, vice president

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.