Hindi rin nakaligtas sa birada ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Ping Lacson.
Sa taped Talk to the People ng Pangulo, sinabi nito na tama naman ang panawagan nina Senator Lacson at Richard Gordon na dapat nang magbitiw sa puwesto si Health Secretary Francsico Duque dahil sa sunod-sunod na kontrobersiya.
Ayon sa Pangulo, kahit sino naman ay maaring mag-demand ng resignation ni Duque kahit na ang isang ice cream vendor, depende na lamang kung sasagot o hindi.
Kalaunan ng talumpati, sinabi ng Pangulo na kakaiba ang hairdo ni Lacson.
Kapareho na aniya si Lacson kay Gordon na iba na ang ayos ng buhok.
MOST READ
LATEST STORIES