Pangulong Duterte: Gordon champion sa talkathon

By Chona Yu August 31, 2021 - 09:25 AM

Champion sa talkathon.

Ito ang panibagong banat ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Senator Richard Gordon na nangunguna sa imbestigasyon sa P67 bilyong COVID fund ng Department of Health.

Ayon sa Pangulo, makikita ng taong bayan na kapag mayroong committee hearing, dahan-dahang nawawala ang mga kasamahang senador ni Gordon dahil siya na lamang ang puro na nagsasalita.

Si Gordon ang tumatayong chairman ng Senate Blue ribbon Committee.

Ilang taon na aniyang nanalo sa talkathon si Gordon.

Puro English lang aniya ang ginagawa ni Gordon sa mga hearing.

Pakiusap pa ng Pangulo, huwag nang iboto sa susunod na eleksyon ang mga senador na tatakbo sa 2022 elections.

Puro pagyayabang lang kasi aniya ang ginagawa ng mga ito lalo na si Gordon.

Sinabi pa ng Pangulo na kay Gordon na ang tanong, kanya rin ang sagot.

Payo pa ng Pangulo kay Gordon, magpapayat muna dahil nahihilo siya kapag nakikita sa Gordon.

August 2019 nang banatan din ni Pangulong Duterte su Gordon at sinabing penguin ang senador.

Binanatan kasi noon ni Gordon ang sunod-sunod na pagtatalaga ni Pangulong Duterte ng mga retiradong opisyal ng militar at pulis sa gabinete.

TAGS: Rodrigo Duterte, Senator Richard Gordon, talkathon, Rodrigo Duterte, Senator Richard Gordon, talkathon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.