22,366 bagong COVID 19 cases, bagong record sa Pilipinas

Naitala ngayon ng Department of Health (DOH) ang pinakamataas na bilang ng naitalang COVID 19 cases sa bansa sa isang araw.

Ayon sa DOH, nadagdagan ng 22,366 ang COVID 19 cases sa bansa, nagpalobo sa kabuuang kaso sa 1,976,202 simula noong Marso 2020.

Sa ngayon may 148,594 ang aktibong kaso sa bansa.

Bukod ito, may 222 ang nadagdag sa mga nasawi para sa kabuuang bilang na 33,330.

Samantala, may 16,864 naman ang gumaling para sa kabuuang bilang na 1,794,278.

Read more...