Medical frontliners binigyan ng pagpupugay ni Pangulong Duterte sa National Heroes Day
By Chona Yu August 30, 2021 - 11:45 AM
Kaisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng bansa sa Araw ng mga Bayani.
Kinilala ng Pangulo ang kabayanihan ng mga medical frontliners at lahat ng essential workers na ngayon ay pangunahing tumutugon sa pandemya sa COVID-19.
Ayon sa Pangulo, maituturing na modern day heroes ang mga health at essential workers na isinasakripisyo ang kanilang buhay kapalit ng paglilingkod sa mga kapwa Filipino.
“As we overcome the Covid-19 pandemic, let us honor our modern day heroes, our medical frontliners and all essential workers who sacrifice their lives, comfort and security to serve our fellow Filipinos,” pahayag ng Pangulo.
Kasabay nito, kinilala rin ng Pangulo ang katapangang ipinamalas ng mga nagdaan at kasalukuyang bayani ng bayan.
Dapat lang ayon sa Pangulo na ibigay ang kailangang pagpipitagan sa mga sakripisyo ng mga bayani na nakipaglaban para makamit ang demokrasya ng bansa.
“With pride and joy, we honor the noble sacrifices of our ancestors who fought to celebrate our country and establish the thriving democracy that we are today,” pahayag ng Pangulo.
Dapat aniyang nagsilbing aral ang kanilang mga kabayanihan.
“May we all learn from the valiant example of the past and present heroes and build on them to achieve a stronger future for all,” pahayag ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.