Pamumulitika ng pamilya Duterte binatikos

(House of Representatives website) Umabot na sa halos 20,000 kada araw ang COVID-19 cases sa Pilipinas pero ang administrasyong Duterte ay pamumulitika at pagbabatikos lang ang kayang gawin. Ito ang batikos ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Partylist Representative France Castro kasabay ng hamon kay Pangulong Rodrigo Duterte na sa halip ang kanyang Vice Presidential bid ang unahin at ang pag-uudyok sa anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo sa pagka-pangulo ang unahin ay tutukan ng pamahalaan kung paano pababain at matutulungan ang mga tinamaan ng COVID-19. “Hindi na magkatuto ngayon ang administrasyong Duterte dahil sa pamumulitika at pagbabatikos sa mga kalaban sa pulitika. Hindi na nila kayang itago ang inefficiency, dapat harapin ni Pangulong Duterte ang pressing problems ngayon halos 20,000 na kada araw ang naitatalang COVID cases,” pahayag ni Castro. Mula ng pumutok ang pandemic noong nakaraang tao ay nagkaroon na ng 3 surges ang Pilipinas, ang una noong July 2020, April 2021 at ngayong Delta variant surge, nasa milyong Pinoy na ang tinamaan ng sakit habang 33,000 na ang nasawi. Ayon kay Castro, habang patuloy ang pagsasabi ni Pangulong Duterte sa hangarin nitong makapanatili sa pwesto matapos ang kanyang termino ay sa kabilang banda ay nag-iisip na ang publiko lalo at nadala na ito sa estilong Duterte. “Sa nangyayari ngayon sa pamumuno ni Pangulong Duterte ay nag-iisip na rin ang tao kung sino ang sinsero sa sinasabi at pangako. Sa nayon ay nadala na ang tao sa style Duterte at mga kakampi nya,” dagdag pa ni Castro. Para kay Castro ay marami pang pwedeng abangan sa mga prospective candidates at hindi lang ang Duterte. “Mas tinitinignan ng tao ngayon ay yung kabaligtaran ni Pangulong Duterte,” giit pa ni Castro.. Batikos ng mga kritko ng administrasyon na habang may konkreto nang balak sa kanyang political career si Pangulong Duterte ay wala naman itong konkretong hakbang para tugunan ang mahinang pandemic response at  problema sa mabagal na vaccination drive. Samantala, tinuring din ng mambabatas na  pang-showbiz ang patuloy na pagdidili-dally ni Mayor Sara sa plano nito sa 2022 elections, aniya, political gimmick lamang ang kunwaring hindi pagtakbo pero plano naman talaga na tumakbo. Ang alkalde ay naging sentro ng pagbatikos kamakaillan at kinuwestiyon ang kanyang leadership matapos ang pag iikot nito sa Cebu at Zamboanga City at pakikiipag-usap sa political leaders  habang ang Davao City ay nasa high risk area ng COVID at nagtatala ng pinakamataas na daily cases sa  buong bansa. Unang umalma dito si Manila Mayor Isko Moreno na magpasaring kay Mayor Sara na hindi pa panahon ng eleksyon kaya ang mga mayor ay dapat nasa kanilang lugar at hindi pa nangangampanya.

Read more...