PDP-Laban endorsement inayawan na ni Sen. Bong Go

By Jan Escosio August 30, 2021 - 10:21 AM

Ginawa ng pormal ni Senator Christopher Go ang pag-endorso sa kanya ng PDP-Laban na banderahan ang kanilang partido sa papalapit na eleksyon.

Sumulat na si Go kay Energy Sec. Alfonso Cusi, ang pangulo ng isang paksyon ng partido, para ipaalam na tinatanggihan niya ang endorsement.

Pinasalamatan naman ng senador si Cusi sa tiwala at kumpiyansa sa kanya, ngunit ipinagdiinan niya na hindi siya interesado na maging pangulo ng bansa.

“I am deeply honored by the trust and confidence of the members of the NEC (National Executive Commission) in my capability to run for the presidency this coming 2022 elections. For a simple man who hails from a city in the South, the endorsement alone by esteemed members and officers of the NEC is a great personal honor for me,” sabi ni Go, nagsisilbing auditor ng PDP-laban.

Dagdag niya; “As much as I wish to respond to the clamor of many of our partymates, I most respectfully decline the said endorsement. As I have said many times before, I am not interested in the presidency.”

Paulit-ulit nang iginiit ni Go na ang kanyang plano ay ipinasa-Diyos na niya at depende rin sa pamilya Duterte.

Si Pangulong Duterte inanunsiyo na handa siyang kumandidato sa pagka-bise presidente sa halalan sa susunod na taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.