Pangulong Duterte inalis na chairman ng PDP Laban, pinalitan ni Sen. Koko Pimentel

By Jan Escosio August 29, 2021 - 08:16 PM

RON MUNSAYAC PHOTO

Pinatalsik si Pangulong Duterte bilang ng chairman ng PDP-Laban ng paksyon ng partido nina Senators Manny Pacquiao at Koko Pimentel.

Ang hakbang ay ginawa sa National Council meeting ng partido at kasabay nang pagbabalik sa bansa ni Pacquiao.

Inaasahan na darating ng bansa si Pacquiao mamayang alas-3 ng madaling araw.

Sinabi ni Ron Munsayac, national executive director at tagapagsalita ng PDP-Laban, dinaluhan ng national at regional officers ang pulong.

Paliwanag naman nito na hindi nila pinatalsik si Pangulong Duterte kundi naabot na nito ang dalawang taon ng kanyang termino bilang chairman ng partido.

Kasabay nang pagkakahalal kay Pimentel, inihalal din si dating Gov. Lutgardo Barbo bilang vice chairman ng partido.

Kumpiyansa si Pimentel na ang kanilang paksyon ang kikilalanin ng Comelec at hindi ang kampo ni Energy Sec. Alfonso Cusi.

“Meron pong grupo na gustong agawin ang ating partido dahil meron silang plano sa politika na sikreto o hindi nila maipaliwanag ng mabuti. Mga baguhan lamang sa ating partido,” sabi ni Pimentel.

Iginiit pa niya na ang kinabukasan ng bansa ang nakasalaylay sa eleksyon sa susunod na taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub