Umaapela ang Department of Health (DOH) sa mga health workers na itigil na ang pagsasagawa ng mass protests.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Health Secretary Maria Rosario na nalalagay kasi sa alanganin ang health system sa bansa pati na ang kapakanan ng mga pasyente.
Sinabi pa ni Vergeire na dapat bigyang daan ng mga health workers ang pagmamalasakit sa mga pasyente.
Una rito, sinabi ng Alliance of Health Workers (AHW) na magsasagawa ng mass protests ang kanilang hanay kung mabibigo ang DOH na ibigay ang kanilang special risk allowance at iba pang benepisyo.
Ilang health workers na ang nagsagawa ng kilos protesta sa Philippine General Hospital, Tondo Hospital, Jose Reyes Memorial Medical Center at iba pang bahagi ng bansa.