Record high ng COVID cases naitala sa bansa

By Chona Yu August 28, 2021 - 04:35 PM

Panibagong record high ang naitala ng Department of Health (DOH).

 

Ito ay matapos umabot sa 19,441 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ngayong araw.

 

Ayon sa DOH, ito na ang pinakamataas na bilang na naitala nang magsimula ang pandemya.

 

Unang naitala ang record high noong August 23 nang pumalo sa 18,332 na COVID-cases ang naitala sa loob lamang ng isang araw.

 

Sa kabuuan, nasa 1,935,700 ang kabuuang bilang ng COVID cases sa bansa.

 

Aabot naman sa 167 ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi.

 

Sa kabuuan, nasa 33,008 na ang kabuuang bilang ng mga nasawi.

 

Nasa 1,760,013 naman ang bilang ng mga gumaling.

TAGS: COVID-19, doh, record high, COVID-19, doh, record high

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.