Aabot sa 140 na panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Navotas.
Ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco, lima sa naturang bilang ang nasawi.
Aabot naman sa 53 ang gumaling sa naturang sakit.
Ayon kay Tiangco, puspusan ang ginagawang pagbabakuna kontra COVID-10 ng lokal na pamahalaan sa mga nag-eedad 18 anyos pataas para maagapan ang paglaganap ng pandemya.
Sinabi pa ni Tiangco na hindi lang ang mga residente ng Navotas ang babakunahan kundi maging ang mga manggagawa na galing sa ibang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.