Retired SC associate justice Priscilla Baltazar-Padilla pumanaw na
Pumanaw na si retired Supreme Court associate justice Priscilla Baltazar-Padilla sa edad na 63.
Base sa pahayag ng Supreme Court, pumanaw si Baltazar-Padilla kahapon, August 27.
Hindi naman tinukoy ng SC kung ano ang sanhi ng pagpanaw ni Baltazar-Padilla.
Si Baltazar-Padilla ang ika-188th Associate Justice ng SC.
Tatlong buwan lamang na nanungkulan si Baltazar-Padilla matapos mag avail ng early retirement dahil sa physical disability.
Nagtapos si Baltazar-Padilla bilang magna cum laude sa Lyceum College of Law at nasa ika-limang puwesto sa 1984 Bar Exams.
Taong 2006, naitalaga si Baltazar-Padilla sa Court of Appeals at nagsilbing chairperson ng Eleventh Division.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.