Glan, Sarangani niyanig ng magnitude 5.6 na lindol; Aftershocks, asahan
Tumama ang magnitude 5.6 na lindol sa Sarangani, Biyernes ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 28 kilometers Southeast ng Glan dakong 6:22 ng gabi.
May lalim na 63 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Bunsod nito, naitala ang mga sumusunod na instrumental intensity:
Intensity IV – General Santos City
Intensity III – Kidapawan City; Koronadal City
Intensity I – Zamboanga City
Wala namang napaulat na pinsala sa bayan ng Glan at mga karating na lalawigan.
Ngunit babala ng Phivolcs, maaring makaranas ng aftershocks matapos ang malakas na pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.