P64.5-M financial aid para sa mga senior sa District 6 sa Maynila, aprubado na

By Angellic Jordan August 27, 2021 - 06:38 PM

Manila PIO photo

Inaprubahan ni Manila Mayor Isko approves ang pagre-release ng P64,547,000 city financial assistance para sa mga senior citizen sa District 6. araw ng Biyernes.

Gagamitin ang pondo upang maipamahagi ang cash allowance para sa mga senior.

Ayon sa alkalde, sisimulan ang distribusyon sa humigit-kumulang 22,636 senior citizen sa araw ng Linggo, August 29.

Kabilang sa priority programs ng Manila City government ang pagbibigay ng financial assistance sa mga nakatatanda.

Sa ngayon, tinatayang aabot na sa P261,931,500 ang naipamahagi sa 93,567 na senior citizen, maliban pa sa ibinigay na Ensyre milk at mga vitamins.

“Ginagawa ito ng lungsod para mapanatag ang ating mga lolo at lola, lalo na ngayong Enhanced Community Quarantine o ECQ,” pahayag ni Moreno.

Dagdag nito, “May financial assistance pa, mayroon din tayong Ensure na gatas at vitamins na ibinibigay to reinforce their immune system. Sila ang isa sa mga vulnerable ngayong pandemic.”

TAGS: AlertoManileno, COVID19PH, FinancialAid, InquirerNews, IskoMoreno, RadyoInquirerNews, AlertoManileno, COVID19PH, FinancialAid, InquirerNews, IskoMoreno, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.