Higit 1.6-M katao sa Quezon City, nabakunahan na vs COVID-19

By Angellic Jordan August 27, 2021 - 05:39 PM

Sumampa na sa 1.6 milyon ang bilang ng mga naturukan ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos hanggang 8:00, Biyernes ng umaga (August 27), umabot na sa 1,608,290 o 94.61 porsyento ng 1.7 milyong target ang naturukan ng unang dose habang 729,868 o 45.44 porsyento naman nabigyan ng ikalawang dose.

Dahil dito, umabot na sa kabuuang 2,338,158 ang naiturok na bakuna sa tulong ng mga health worker, staff at volunteer sa naturang lungsod.

Patuloy namang hinihikayat ang publiko na magpabakuna na upang mabigyan ng proteksyon laban sa COVID-19, lalo na sa mas nakakahawang Delta variant.

TAGS: COVIDvaccination, COVIDvaccine, InquirerNews, RadyoInquirerNews, COVIDvaccination, COVIDvaccine, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.