Dalawang Filipino, hindi nakaalis sa Afghanistan dahil sa pagsabog
Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nabigong makaalis ng Afghanistan ang dalawang Filipino na nasa Kabul airport.
Base sa situation bulletin, sinabi ng kagawaran na ito ay bunsod ng nangyaring dalawang pagsabog sa labas ng naturang paliparan.
Tiniyak naman ng DFA na walang Filipinong nadamay sa naturang pagsabog.
Samantala, nakauwi na ang isang Filipino mula sa Dubai na unang nakaalis sa Kabul simula nang makubkob ng Taliban ang pamahalaan ng Afghanistan.
Mahigpit pa ring nakikipag-ugnayan ang Embahada ng Pilipinas sa Islamabad sa UN Security Officers upang malaman ang pinakahuling update sa lagay ng seguridad sa nasabing bansa.
Sakaling magkaroon ng emergency, maaring makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Islamad sa Pakistan sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Whatsapp/Viber: +923335244762
Messenger/Facebook: facebook.com/atnofficers.islamadadpe o facebook.com/OFWHelpPH
Email: [email protected]
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.