Pacquiao, bumista na kay Mary Jane Veloso

July 10, 2015 - 12:11 PM

pacquiao jinkee
Mula sa Instagram Account ni Cong. Manny Pacquiao

Natuloy na ang pagbisita ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao sa OFW na si Mary Jane Veloso.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Edre Olalia ng National Union of People’s Lawyer (NUPL) at isa sa mga tumatayong abugado ni Veloso.

Ayon kay Olalia, napayagan si Pacquiao at asawang si Jinkee na bisitahin si Mary Jane sa piitan alas 8:30 ng umaga oras sa Indonesia.

Sa kaniyang instagram account, nag-post si Pacquiao ng larawan nila ni Jinkee kasama si Mary Jane habang nagdarasal at magkakahawak-kamay.

Sinalubong din si Pacquiao ng mga Pinoy sa Indonesia sa pangunguna ng Association of Indonesian Migrant Workers.

Bilang pagpapakita naman ng pagpapasalamat sa ‘effort’ ni Pacquiao na Vice Chairman ng OFW Affairs sa Kamara, ay binigyan siya ng ‘batik’ ng nasabing grupo.

Paglabas ng piitan ay suot naman ni Manny ang balabal na ginawa mismo ni Veloso. /Ruel Perez

TAGS: manny pacquiao, mary jane veloso, Radyo Inquirer, manny pacquiao, mary jane veloso, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.