Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 215.49 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 215.49 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 215,495,617 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 39,342,153 cases.

Sumunod na rito ang India na may 32,603,188 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 20,676,561 naman ang kaso sa Brazil habang 6,824,540 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 6,693,019
– United Kingdom – 6,628,709
– Turkey – 6,293,297
– Argentina – 5,161,926
– Colombia –  4,899,085
– Iran – 4,833,135
– Spain – 4,822,320
– Italy – 4,509,611
– Indonesia – 4,043,736
– Germany – 3,913,945
– Mexico – 3,291,761

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,488,844 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 192,683,664 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...