Tatlong opisyal ng barangay, arestado dahil maanomalyang ECQ ayuda
(Manila PIO)
Kalaboso ang tatlong opisyal ng barangay at isang sibilyan dahil sa maanomalyang pamamahagi ng ayuda para sa mga residenteng naapektuhan ng enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.
Kinilala ni MPD Smart chief Police Lt. Colonel Rizalino Ibay ang mga nahuli na sina Mario Simbulan na barangay chairman ng Barangay 608, Kagawad Maria Christina Zara at Brgy. Ex-O Isagani Darilay.
Arestado rin ang pedicab driver na si John Mark Nager ana kasabwat ng mga opisyal ng barangay.
Ayon kay Ibay, dalawang benepisyaryo na sina Jerson Ceniza at Renerio Salavo ang nag-reklamo dahil kinuha ng ibang tao ang P4,000 ayuda.
Dahil sa kinukunan ng larawan ng Manila Department of Social Welfare ang pagtanggap ng ayuda ng bawat benepisaryo, nakilala ang kumuha ng pera
Hindi na nakuha ng mga biktima ang ayuda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.