Maaring kilala bilang alalay ni Pangulong Rodrigo Duterte si Seandor Bong Go.
Pero ayon kay PDP -Laban president at energy Secretary Alfonso Cusi, dapat na irespeto si Go.
Si Go kasi aniya ang pinaka-kwalipikadong tumakbong pangulo ng bansa sa 2022 elections.
Ayon kay Cusi, maraming kandidato naman ang kwalipikado sa pagka-presidente. Pero si Go ang pinaka-expose sa trabaho ng isang presidente sa Pilipinas.
Bago naging senador, nagsilbing Special Assistant to the President si Go.
Sinabi pa ni Cusi na alam ni Go ang trabaho ng lahat ng sangay ng pamahalaan.
Halimbawa na ang sangay sa ehekutibo, lehislatura at maging sa hudikatura.
MOST READ
LATEST STORIES