Duterte: Dolomite is beuatiful

By Chona Yu August 27, 2021 - 10:31 AM

(Palace photo)

Maganda ang dolomite sa mata ng publiko, period.

Depensa ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng batikos sa multi-million peso project na pagtatambak ng dolomite para mapaganda ang Manila Bay.

“What is beautiful is beautiful, period. Dolomite is beautiful to the eyes, period. Huwag ka nang magtanong kasi hindi naman ninyo kaya kung kayo. You had your chance, actually,” pahayag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na tanging si Environment Secretary Roy CImatu lamang ang nagpaganda sa Manila Bay.

Aabot sa P389 milyon ang inilaang pondo ng Department of Environment and Natural Resources para sa rehabilitation program ng Manila Bay.

Umani ng batikos ang proyekto dahil hindi napapanahon ang pagpapaganda sa Manila Bay lalo’t may kinakaharap na pandemya ang bansa sa COVID-19.

 

TAGS: beautiful, dolomite, Pangulong Rodrigo Duterte, beautiful, dolomite, Pangulong Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.