(Palace photo)
Sinong nag-a-audit ng COA?
Tanong ito ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo kung anong tanggapan ng pamahalaan ang naga-audit sa pondo ng Commission on Elections.
Tugon ni Panelo sa Pangulo, walang nag-a-audit sa COA.
Ayon sa Pangulo, dapat mayroong sumusuri sa pondo ng COA.
Pangako ng Pangulo, kapag naupo siyang bise presidente sa 2022 elections, siya na mismo ang mag-a-audit sa COA at sa lahat ng tanggapan ng gobyerno.
“Somebody should do it. I will — I will do that if I become vice president. Ako na lang rin ang mag-audit sa lahat ng gobyerno. Lahat, pati ‘yung akin, mag-umpisa ako sa akin. But just tell me — I have been really trying to figure out in this democratic setup — sinong au-audit ng COA? That is my question.
Hirit ng Pangulo sa COA, bigyan ng ‘elbow room’ ang mga tanggapan ng gobyerno para makapag-comply sa mga requirements lalo’t may pandemya ngayon sa COVID-19.