Ayon sa korte, kailangan muna nilang matanggap mula sa mga abogado ni Corona ang patunay na namatay na nga ito bago ibasura ang mga kaso laban sa kaniya.
Binawian ng buhay si Corona nang hindi nababasahan ng sakdal sa mga kaso niyang kinahaharap.
Nito lang nakalipas na Abril 5 nang ipagpaliban muli ng Sandiganbayan 3rd division ang arraignment ni Corona.
Ang ikatlong postponement ay bunsod ng kabiguan ng anti-graft court na maresolba ang mosyon ng na-impeach na punong mahistrado na ibasura ang mga kaso laban sa kanya.
Maging ang panig ng prosekusyon ay naghain pa ng mosyon na tanggapin ng korte ang second amendments sa mga impormasyon na may kinalaman sa mga kaso.
Ang arraignment ni Corona ay itinakda sa darating na Hunyo 20. Nahaharap si Corona ng walong counts ng perjury at walong counts ng violation of code of conduct and ethical standards for public officials and employees dahil di umano sa mali o hindi pagdedeklara ng lahat ng mga ari-arian sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN).
Pumanaw si Corona madaling araw ng Biyernes dahil sa cardiac arrest.