Pinuri ni Senate Minority Frank Drilon ang pagsauli ng Philippine International Trading Corporation (PITC) ng P5.2 bilyon sa Bureau of Treasury.
Ngunit ang halaga ay kulang pa dahil ayon kay Drilon, higit P11 bilyon ang dapat na isauli ng PITC.
Unang inihirit ni Drilon na ang lahat ng mga pondo na hindi nagagamit ay dapat na isinasauli sa Bureau of Treasury alinsunod sa nakasaad sa Republic Act 11520.
Ang ibinunyag ng senador na pondo ay mula sa ibat-ibang ahensiya ng gobyerno na ‘nagpabili’ sa PITC ng mga kinakailangan nilang gamit.
Aniya maraming COVID-19 vaccines ang mabibili sa pera na naka-pondo lang sa PITC.
Ito rin ang panawagan ni Drilon sa Procurement Service ng Department of Budget and Management na may hindi nagagamit na pondo na aabot aniya sa P11.86 bilyon.