Sen. Bong Go itinanggi na may hidwaan sila ni Davao City Mayor Sara Duterte

Pinabulaanan ni Senator Christopher Go ang mga naglabasang ulat na may ‘isyu’ sa pagitan nila ni Davao City Mayor Sara Duterte.

 

“Nagkakausap kami ni Mayor Sara. Wala kaming isyu sa isa’t isa,” diin ni Go.

 

Sinabi pa nito na kung anong pagmamahal mayroon siya kay Pangulong Duterte ay parehas lang sa mga anak ng Punong Ehekutibo.

 

“Nangako ako sa kanya na sasamahan ko siya habambuhay,” dagdag pa ng senador.

 

Ibinahagi din nito na ibinilin sa kanya ni Pangulong Duterte ang mga anak nito sa kanya: “Isa sa mga ipagbilin niya sa akin ay huwag kong pababayaan ang mga anak niya kung wala na siya sa mundong ito.”

Read more...