Duterte, pumayag nang buksan ang kaniyang bank account sa BPI-Julia Vargas

By Kathleen Betina Aenlle April 30, 2016 - 05:48 AM

trillanes-duterteBilang pagtugon sa hamon sa kaniya ni Sen. Antonio Trillanes IV, ipapadala ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kaniyang abogado para buksan ang kaniyang bank records sa Bank of the Philippine Islands (BPI) Julia Vargas branch.

Kamakailan lang ay hinamon ni Trillanes si Duterte na magkita sila sa nasabing branch ng BPI sa Lunes, May 2, upang sabay nilang alamin kung totoo nga bang may mahigit P200 milyon ang account niya doon.

Una nang tumanggi si Duterte na patulan ang senador, ngunit nagdesisyon na siyang ipadala si Atty. Salvador Panelo para mabuksan ang kaniyang account at masiyasat ni Trillanes.

Sinabi ni Duterte na hindi siya personal na makakarating dahil siya ay nakatakdang mangampanya sa araw na iyon.

Mailap naman ang pagsagot ni Duterte kung magkano talaga ang laman ng nasabing account, at sinabing hindi niya tiyak dahil sa mga zeroes.

Kaugnay naman sa panawagan na buksan niya ang lahat ng kaniyang bank accounts, may hininging kondisyon ang kampo ni Duterte kay Trillanes.

Ayon kay Atty. Paola Alvarez, dapat maglabas muna ng affidavit si Trillanes na kung saan isasaad niya ang mga detalye kung paano niya nakuha ang mga impormasyong ito tulad ng kung sino ang nagbigay nito sa kaniya.

Giit ni Alvarez, bilang isang senador, dapat sumunod sa batas si Trillanes at ibunyag kung paano niya nakuha ang mga impormasyong ginagamit niya ngayon sa mga alegasyon niya sa alkalde.

Pero nanindigan si Trillanes na po-protektahan niya ang kaniyang mga impormante at sinabing drama lang ang kahilingan ng kampo ni Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.