Southern Luzon, Visayas, Mindanao makararanas pa rin ng kalat-kalat na pag-ulan

DOST PAGASA satellite image

Umiiral pa rin ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa malaking bahagi ng bansa.

Sinabi ni PAGASA weather specialist Ana Clauren na apektado nito ang Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Hanggang sa Huwebes ng gabi, August 26, patuloy aniyang magdadala ang weather system ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol region, Visayas, CARAGA, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.

Sa nalalabing bahagi ng bansa, posible ring makaranas ng mga panandaliang pag-ulan dulot naman ng localized thunderstorm.

Ani Clauren, walang inaasahang bagyo na maaring mabuo o pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Read more...