Nagkaaberyang yate sa bahagi ng Sulu Sea, sinagip ng PCG

By Angellic Jordan August 26, 2021 - 07:27 PM

PCG photo

Rumesponde ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) District Southwestern Mindanao at BRP Bagacay (MRRV-4410) sa isang maritime incident sangkot ang isang yate sa bahagi ng Sulu Sea, araw ng Huwebes.

Nang matanggap ang report, agad nagkasa ang PCG ng search and rescue (SAR) operation upang maasistihan ang yate.

Sa bahagi ng karatagang sakop ng Zamboanga del Norte naitala ang huling lokasyon ng yate noong August 16.

Nalaman ng ahensya ang lokasyon nito sa tulong ng mga lokal na mangingisda na patungo sa boundary ng Tubbataha Reef sa kasagsagan ng pangingisda.

Kalaunan, nagkaroon ng komunikasyon ang PCG sa yate sa pamamagitan ng French boat captain na si Peter Niklaus.

Sinabi ni Niklaus na nagkaroon ng engine trouble ang yate habang patungo sa Puerto Princesa, Palawan mula sa Tambobo Bay, Siaton, Negros Oriental.

Nabigo aniya niyang maabot ang pinakamalapit na pantalan dahil sa kakulangan ng gasolina.

Maliban dito, nadala aniya ang yate sa bahagi ng Sulu Sea dahil sa masamang panahon.

Matapos nakumpirmang nasa maayos na kondisyon ang boat captain, nag-setup na ang PCG ng towing lines at dinala ang yate sa Zamboaga City Pier.

Sa kabila ng pagiging bakunado, sumailalim pa rin ang boat captain sa mandatory quarantine sa isang isolation facility bilang precautionary measure sa gitna ng pandemya.

TAGS: InquirerNews, PCGoperation, RadyoInquirerNews, InquirerNews, PCGoperation, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.