Development projects sa Siquijor Airport, pinasinayaan na
Pinangunahan ni Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade ang inagurasyon ng development projects sa Siquijor Airport sa araw ng Huwebes, August 26.
“The way to making Filipino life convenient and comfortable is to create connectivity and mobility. It is for that reason why we are expanding your community airport and seaport. We want connectivity and mobility, which is the mandate of President Rodrigo Roa Duterte,” pahayag ng kalihim sa kaniyang talumpati.
Kabilang sa P34.79-million project ang konstruksyon ng bagong Passenger Terminal Building, powerhouse, at vehicular parking area.
Sinimulan ang naturang proyekto noong March 1, 2018 at natapos noong July 30, 2020.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Jim Sydiongco, inaasahang makatutulong ang pagsasaayos ng paliparan sa ekonomiya ng Siquijor.
Maliban dito, makapagbibigay aniya ito ng maayos na biyahe sa mga turista sa pagpunta sa isa sa mga tourism spot sa bansa.
Sa tulong ng bagong PTB, mula sa 10, kaya nang maserbisyuhan ang 60 pasahero.
Maliban dito, nakumpleto na rin ng CAAP ang repair at maintenance ng perimeter fence, concrete path walk, runway, taxiway, at apron markings sa paliparan noong August 21, mas maaga sa itinakdang completion date.
Ipinanukala naman ng CAAP at DOTr ang karagdagan pang development project sa airport kabilang ang pagpapalawak at asphalt overlay ng runway.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.