Pinasinayaan na ng Philippine General Hospital (PGH) ang bagong isolation facility para sa mga pasyente na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Jonas del Rosario, ang tagapagsalita ng PGH, 42 ang bed capacity ng bagong pasilidad.
Bayanihan aniya ang proyektong ito. Galing ang pondo sa donasyon ng Bureau of Fire Protection, Tiktok Philippines, St. Luke’s Medical Center at Zuellig Family Foundation.
Sa Setyembre aniya ay maari nang mailipat sa bagong pasilidad ang mga nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Del Rosario, ‘state of the art’ ang bagong pasilidad dahil kumpleto sa medical equipment.
May mga oxygen tank din aniya na kakailanganin ng mga pasyente.
Matatandaang itinigil muna ng PGH ang pagtanggap ng mga walk-in na pasyente na positibo sa COVID-19.
Pero ayon kay del Rosario, oras na lumuwag na ang ospital, muling tatanggapin ang kanilang hanay ng mga pasyente.