Inihayag ng Department of Health (DOH) na tanging ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na lamang ang rehiyon sa bansa na walang kaso ng Delta variant ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Alethea De Guzman, OIC-Director ng DOH Epidemiology Bureau, ang BARMM ang tanging rehiyon na walang local Delta case.
Maari aniyang dahilan nito ay ang kaunting samples na nakukuha galing sa naturang rehiyon.
Samantala, sinabi rin ni De Guzman na mayroon nang naitalang Alpha o Beta variant sa lahat ng rehiyon at lungsod sa National Capital Region (NCR).
Lahat din ng rehiyon sa bansa ay nakapagtala na ng P.3 variant, na unang na-detect sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.