Natapos na ng Navotas City government ang pamamahagi ng cash assistance para sa lungsod matapos isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila mula August 6 hanggng 20, 2021.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, nakumpleto ang distribusyon eksakto 15 araw simula ng ikasa ang pamamahagi ng ayuda.
Nasa P199,871,000 ang inilaang pondo ng pamahalaang nasyonal ngunit umabot sa P201,407,000 ang kabuuang halaga ng ipinamahagi sa lungsod.
Sinabi ng alkalde na ang sobrang halaga ay galing sa lokal na pamahalaan.
Aniya, “Ipagpapatuloy pa po ang pamimigay ng P23,074,000 na natitirang halaga magmula sa P24,610,000 na galing sa lokal na pamahalaan.”
“Sa mga nagtext po dahil wala pong natanggap na kahit anong ayuda magmula noong una, pagkatapos po natin ma-distribute ang natitirang pondo ay sisimulan na po ang pag-validate ng mga pangalan ninyo para malaman kung ilan talaga kayo,” abiso nito.
Tiniyak ni Tiangco na sisikapin ng Navotas LGU na mahanapan ng pondo dahil alam aniya nila ang paghihirap ng marami sa gitna ng pandemya.
Pinasalamatan din nito ang mga kawani na tumulong sa payout.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.