Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (August 26), pumalo na sa 1,899,200 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 131,921 o 6.9 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 16,313 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
96.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.1 porsyento ang asymptomatic; 1.03 porsyento ang moderate; 1.2 porsyento ang severe habang 0.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 236 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 32,728 o 1.72 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 9,659 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,734,551 o 91.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.