DepEd: 40,000 laptops ipamamahagi sa mga eskuwelahan, education frontliners ngayon buwan

By Jan Escosio August 26, 2021 - 11:55 AM

Sisimulan ng Department of Education (DepEd) ang distribusyon ng may 40,000 laptops sa mga eskuwelahan, guro at kawani para magamit sa muling pagsisimula ng mga klase sa susunod na buwan.

Nabatid na ang pera na ipinambili ng mga laptops ay mula sa Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).

“The provision of internet-capable equipment to DepEd offices, schools, and teachers is great news for the education sector. This would go a long way in our continued implementation of our Basic Education – Learning Continuity Plan and in providing technical support to our field offices nationwide,” sabi ni Education Sec. Leonor Magtolis Briones.

Ayon pa kay Briones ang plano ay bigyan ng tig-isang laptop ang bawat guro at lahat ng kanilang tanggapan.

Aniya batid nila na maraming guro ang gumamit ng kanilang sariling pera para bumili ng kakailanganin laptop sa pagkasa ng online learning system.

“It is still the responsibility of the state to provide government-issued laptops,” sabi naman ni USec. Alain Del B. Pascua.

Pinagbilinan na rin ang Regional at Schools Division Offices ng kagawaran na magsagawa ng pagsasanay sa paggamit ng laptops ngunit kinakailangan pa rin ang mahigpit na pagsunod sa health protocols.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.