Pagpapaliban ng BARMM election lumusot na sa 2nd reading sa Senado

Sa boto na 18-1, na may dalawang abstentions, lumusot sa second reading sa Senado ang panukalang ipagpaliban ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) election hanggang sa 2025.

 

Sinabi ni Sen. Francis Tolentino, ang pangunahing sponsor ng Senate Bill 2214, na layon din nito na mapalawig ang ‘transition period’ sa rehiyon na pinapangasiwaan ng Bangsamoro Transition Authority (BTA).

 

Dagdag pa niya aamyendahan nito ang RA 11054 o ang Bangsamoro Organic Law para maipagpaliban ang halalan sa rehiyon susunod na taon.

 

Binanggit din ng senador na ayon sa Comelec hindi na kakayanin na makapagsagawa ng BARMM election dahil hindi pa natatapos ang ‘redistricting’ ng parliemantary districts sa rehiyon at wala pang naipapasang Bangsamoro Electoral Code.

 

Hindi pa naisasapinal ng BTA ang electoral code dahil hinihintay pa ang datos ng 2022 Census mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), na hindi pa natatapos dahil sa pandemya.

 

Read more...