Sen. Migz Zubiri, iba pang senador itinuutulak ang pagtaas sa ‘age of sexual consent’
Upang lubos na mabigyan proteksyon ang mga bata, hiniling ng ilang senador na maayemdahan ang Revised Penal Code, partikular na ang Anti-Rape Law of 1997, sa pamamagitan ng pinag-isang Senate Bill No. 2332.
Layon ng panukala na maitaas sa 16 anyos mula sa kasalukuyang 12 anyos ang tinatawag na ‘age of sexual consent.’
Nais din ng mga senador na baguhin ang kahulugan ng ‘rape’ sa batas.
Binanggit ni Majority Leader Juan Miguel Zubiri na sa Asya, ang Pilipinas ang may pinakamababang ‘age of consent’ na 12-anyos, na pangalawa naman sa buong mundo.
“That is why it is important that we amend the old law, that I can show you right now clearly states that it applies to certain individuals, for women, for example, and not for men or for gay personalities…That’s why we’re having a legislative reform on rape, especially for the protection of our girls and boys, and others with different sexual preference from sexual violence,” sabi naman ni Sen. Richard Gordon sa kanyang sponsorship speech.
Ayon naman kay Sen. Pia Cayetano, ang pakikipagtalik sa bata na wala pang edad 12 ay awtomatikong ituturing ng rape, kahit pumayag pa ang biktima.
“Sa totoo lang, kahindik-hindik ang kwento ng mga advocates na may mga batang 13 years old, 14 years old, who are asked to prove in court that they did not consent to the sexual act, with some even being asked kung nag-enjoy ba sila. Kaya ang malimit na nangyayari, hindi nalang nagsasalita ang mga biktima,” ayon naman kay Sen. Risa Hontiveros.
“Talaga pong nakakakulo ng dugo at nakakapanginig ng kalamnan ang mga balita ng pagsasamantala sa ating mga kabataang nasa edad dose anyos, na walang kamuwang-muwang at walang kalaban-laban. Nararapat lamang po na magkaroon tayo ng mas matibay na batas upang mapanagot at maparusahan ang sinumang gumagawa ng karumal-dumal na gawaing ito,” ang pagdidiin naman ni Sen. Ramon Revilla Jr.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.