COVID 19 response hindi maapektuhan ng VP bid ni Pangulong Duterte

Tiniyak ng Malakanyang na hindi maaapektuhan ang pagtugon ng gobyerno sa pandemya ng deklarasyon ni Pangulong Duterte na sasabak ito sa vice presidential race sa 2022 elections.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque, mananatiling prayoridad ng gobyerno ang COVID 19 response at hindi pulitika.

Aniya patuloy na pagsusumikapan ng gobyerno na matupad ang pangako na maabot ang ‘herd immunity’ sa pamamagitan ng ikinakasang vaccination program hanggang sa katapusan ng taon.

Katuwiran nito, hindi naman maaring ipagpaliban ang halalan dahil nakatakda ito sa Saligang Batas.

Kayat patuloy ang kanilang pagpapa-alala sa mga lokal na pamahalaan at sa publiko na sumunod sa prevention, detection, isolation, treatment at reintegration program.

Read more...