Mag-asawa, nahulihan ng 14 bala sa Boracay airport

By Kathleen Betina Aenlle April 30, 2016 - 04:49 AM

boracay airportInaresto ng Office of Transportation Security (OTS) at ng Philippine National Police – Aviation Security Group (PNP-Avsegroup) ang bagong kasal na mag-asawa sa Boracay Airport matapos makitaan ng 14 bala ang bag ng isa sa kanila.

Nasa Boracay ang suspek na si Jerome Sulit at ang asawa niya para sa kanilang honeymoon, at pabalik na sana sila ng Maynila.

Ayon kay PO2 Nante Briones ng Malay police sa Aklan, nakitaan ni security inspector Christian John Teodoro ng bala ang sling bag ni Sulit nang ipasok ito sa X-ray machine.

Nang pakiusapan siya na buksan ang kaniyang sling bag, doon na nakita ng mga otoridad ang 14 na live bullets, pati na ang isang basyo ng bala ng kalibre .22 na pistola.

Ipinaubaya na sa Malay police ang pagsasampa ng kaso kay Sulit dahil sa paglabag sa election gun ban.

Ngunit, iginiit ng asawa ni Sulit na biktima umano sila ng tanim bala at tinangka umano silang kikilan ng P80,000.

Ni-review naman ng mga pulis ang CCTV footage sa mga bahagi ng paliparan na kanilang dinaanan mula sa kanilang pagdating hanggang sa ipalabas kay Sulit ang mga bala.

Gayunman, wala namang nakita ang mga pulis na posibilidad na nagkaroon nga ng insidente ng tanim bala.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.