‘Mafia moves’ sa DOH pinahihinto ni Sen. Ping Lacson kay Sec. Duque
Itinuro ni Senator Panfilo Lacson sa ‘Mafia-like’ na galawan ang paulit-ulit na isyu ng overstocking ng mga gamot sa Department of Health (DOH) at ang ilan pang iregularidad.
Kayat hinamon niya si Health Sec. Francisco Duque III na kumilos naman para hindi maging paulit-ulit ang mga problema sa kagawaran.
Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, binanggit ni Lacson na may higit P2.73 bilyon halaga ng mga gamot ang nakatambak lanag, nag-expire na o malapit nang mag-expire.
“We wasted P2.736 billion in taxpayers’ money. What’s the reason for this? Why are we overstocking? Why are we buying medicines near their expiration dates? What does this tell us? I’ve been an investigator all my life. To me, this indicates that there is probably a ‘mafia’ that is well-entrenched – can’t be uprooted,” sabi ni Lacson.
Aniya matatapos lang ang problema kung talagang kikilos ang pamunuan ng kagawaran.
Base aniya sa datos mula sa Commission on Audit (COA) ang mga nasayang na halaga ng gamot ay P95,675,058.98 noong nakaraang taon; P2.2 billion noong 2019; P378,169,000 noong 2018; P7,031,542 noong 2017; P25,866,000 noong 2016; P18,394,000 noong 2015; P6,851,000 noong 2014; at P4,442,000 noong 2013.
Ipinaalala din ni Lacson kay Duque ang pangako nito sa pagharap niya sa Commission on Appointments na sosolusyonan ang isyu ng mga nasasayang na gamot sa DOH.
Diin ng senador ang isyu ay hindi sa katiwalian kundi pagpapakita ng kakulangan ng kakayahan ng tama at maayos na pamumuno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.