Plano ni Sen. Bong Go sa 2022 elections depende sa mga Duterte

Sa kabila ng pagbubunyag ni Davao City Mayor Sara Duterte sa pagtakbo ni Senator Christopher Go sa pagka-presidente, itinanggi pa rin ito ng huli.

“My position has not changed. I am still not interested in running for president,” bungad ni Go sa inilabas nilang pahayag.

Dagdag pa niya; “Umpisa pa lang, sinabi ko na kung ano ang magiging desisyon ng mga Duterte ay suportado ko ito. Sa ngayon, antayin na lang natin ang kanilang pinal na desisyon.”

Inulit niya ang madalas niyang sabihin na ipinasasakamay na niya sa Diyos at sa mga Duterte ang kanyang kapalaran, gayundin sa sambayanan.

Katuwiran muli nito, ayaw niyang maranasan ang nangyayari ngayon kay Pangulong Duterte sa pagsasabing; “Lahat ng problema sinasalo ng Pangulo. Nararanasan ito ni Pangulong Duterte ngayon at nakikita ko ang hirap na pinagdadaanan niya.”

Sa ngayon aniya ay naka-sentro ang kanyang atensyon sa paghahanap ng paraan para makapag-ambag sa pagharap ng bansa sa pandemya.

Read more...