Sen. Nancy Binay naka-self quarantine matapos mag-positibo ang ina sa COVID 19

Naka-quarantine ngayon si Senator Nancy Binay matapos mag-positibo sa COVID 19 ang kanyang ina, si dating Makati City Mayor Dra. Elenita Binay.

Kasabay nito nagpasalamat na rin ang senadora at negative naman ang resulta ng COVID 19 test ng kanyang ama, si dating Vice President Jejomar Binay.

Pagtitiyak naman niya na susunod sila sa mga protocols at re-swabbing procedures.

Aniya nakakaranas ang kanyang ina ng mild symptoms ng nakakamatay na sakit at humihingi siya ng panalangin para sa mabilis na paggaling nito,

“The exposure to the virus is real – and there’s a high chance that someone out there is a silent carrier,” sabi pa ni Binay.

Kayat hinihimok niya ang mga may oportunidad na magpabakuna na magpaturok na ng proteksyon at huwag palagpasin ang pagkakataon.

Read more...