Dalawa pang Filipino, nakaalis na sa Afghanistan; 22 Pinoy, nakauwi na ng Pilipinas
Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakaalis na ang dalawa pang Filipino sa Kabul, Afghanistan.
Sinabi ng kagawaran na nasa Dushanbe na ang dalawang Filipino na bahagi ng Doctors Without Borders organization.
Dahil dito, umabot na sa 185 ang bilang ng mga Filipino na nakaalis o na-evacuate habang 24 na lamang ang nananatili sa nasabing bansa.
Kinumpirma rin ng DFA na nakauwi na ng Pilipinas ang 22 Filipino mula sa London sa pamamagitan ng Philippine Airlines flight PR721.
Sa ngayon, nakasailalim na ang repatriates sa quarantine.
Sakaling magkaroon ng emergency, maaring makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Islamad sa Pakistan sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Whatsapp/Viber: +923335244762
Messenger/Facebook: facebook.com/atnofficers.islamadadpe o facebook.com/OFWHelpPH
Email: [email protected]
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.