Pagkalas ni Remulla kay Binay, spekulasyon lang ayon sa bise presidente

By Dona Dominguez-Cargullo April 29, 2016 - 09:03 PM

Binay AMLCTumangging magkomento si Vice President Jejomar Binay sa umano ay pagkalas sa kaniya ng dating kaalyadong si Cavite Gov. Jonvic Remulla para lumipat ng suporta kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ani Binay, itinuturing niyang spekulasyon pa ang balita kaya ayaw niya munang magkomento. “Ayokong mag-comment sa speculation. I have been consistent with that,” Ayon kay Binay sa panayam sa kaniya sa Cabanatuan, Nueva Ecija.

Sinabi ni Binay na hindi pa niya nakakausap si Remulla na nagsilbi pa niyang tagapagsalita noon.

Ani Binay, nais niyang marinig mismo mula kay Remulla ang kung totoong nakipag-alyansa na nga ito kay Duterte.

Ayon naman kay Senator Nancy Binay, nakita pa niya si Remula ni nakaraang linggo at wala naman itong nabanggit na problema.

Katunayan ayon kay Senator Binay, bago sila maghiwalay, binanggit pa sa kaniya ng gobernor na kung magtutungo sa Cavite si Vice President Binay para mangampanya ay kaniyang aasikasuhin.

“None, none at all. In fact nung bago kami maghiwalay ang sabi pa n’ya sakin, ‘Sige, sabihin mo lang sa akin kung kailan pupunta si Vice sa Cavite and I will arrange it for him kung gusto nya magmotorcade, kung gusto nya magrally’,” ayon kay Senator Binay.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.