Marcos, nanguna sa Pulse Asia survey; Robredo, patuloy sa pag-angat
Si vice presidential candidate, Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., pa rin ang nangunguna sa latest survey ng Pulse Asia na kinomisyon ng ABS-CBN.
Sa survey na isinagawa mula April 19 hanggang 24, nakakuha si Marcos ng 31% na mas mataas ng two points sa nakuha niyang puntos noong nagdaang survey.
Umangat naman ng tatlong puntos ang rating ni Liberal Party vice presidential bet, Camarines Sur Rep. Leni Robredo na nakakuha naman ng 26%.
Si Senator Francis Escudero ay mayroon namang 18% na mas mababa ng dalawang puntos sa nakuha niyang 20% noong nagdaang survey, habang si Senator Alan peter Cayetano ay nakakuha ng 15%.
Nasa panglimang pwesto si Sen. Antonio Trillanes IV na nakakuha ng 3% at pang-anim si Sen. Gringo Honasan na nakakuha ng 2%.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.