Duterte, nanguna pa rin sa latest Pulse Asia survey
Nanatiling nangunguna sa survey si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Sa latest survey ng Pulse Asia na isinagawa mula April 19 – 24 at kinomisyon ng ABS-CBN, nakakuha si Duterte ng 33%, ito ay sa kabila ng pagiging kontrobersiyal ng alkalde dahil sa kaniyang pahayag hinggil sa Australian missionary na nabiktima ng rape noong 1989.
One point lang ang naitalang pagbaba sa nakuhang rating ni Duterte mula sa 34% na nakuha niya sa nagdaang ABS-CBN Pulse Asia survey.
Statistically tied naman sa 2nd place sina Senator Grace Poe na nakakuha ng 22% at si LP bet Mar Roxas na mayroong 20%.
Sumunod si Vice President Jejomar Binay na nakakuha naman ng 18% at si Senator Miriam Defensor-Santiago na may 2%.
Aabot sa 4,000 ang respondents sa nasabing survey na mayroong margin of error na plus-minus 1.5%.
April 24, 2016 nang idaos ang huling debate ng mga kandidato sa pagka-Pangulo na inorganisa ng Commission on Elections kaya hindi pa sakop ng nasabing survey result ang naging pananaw ng publiko matapos ang ikatlo at huling presidential debate.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.