Planong ‘fully vaccinated only’ sa malls at restaurants hindi magandang ideya – Gatchalian

Napaitan si Senator Sherwin Gatchalian sa plano na limitahan lang sa mga ‘fully vaccinated’ ang papasukin sa malls at restaurants.

Ayon kay Gatchalian maari itong gawin kung may sapat ng suplay ng bakuna sa bansa sa katuwiran niya na marami ang gustong maturukan ng COVID 19 vaccine ngunit kapos ang suplay.

“Until such time na marami na ang bakuna at mayroon pa ring mga taong ayaw magpabakuna, siguro maaari na nating pag-isipan ang panukalang ‘yan para maengganyo natin ang lahat na maging bakunado,” pagdidiin nito.

Nilinaw naman ni Gatchalian na susuportahan niya ang naturang ideya kung ang layon nito ay mahikayat ang mga tao na magpabakuna.

Ilang grupo ng mga negosyante ang sumusuporta sa ideya para makabuo ng ‘bubbles’ sa mga establismento at mapigilan pa ang pagkalat ng COVID 19.

Read more...