Dollar account ni Duterte, kinumpirma ni Roxas
Nakumpirma ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas na dollar account ang isa sa mga bank accounts ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Sa press conference sa LP headquarters, isang deposit slip ang ipinrisinta ni Roxas sa media na nagpapakita na ng $10 na deposito sa isa sa account ni Duterte.
Matapos maideposito, lumitaw sa deposit slip ang pangalang Rodrigo Roa Duterte at Sara Z. Duterte. “We wanted to verify if Sen. [Antonio] Trillanes’ [IV] allegations were true. So we deposited $10 to one of the accounts at nakita ito ay nasa pangalan ni Rodrigo Roa Duterte and Sara Z. Duterte sa BPI din ito,” ani Roxas.
Kasabay nito ay hinamon ni Roxas si Duterte na sabihin na ang katotohanan.
Ang sinasabing dollar account ay may account number na 002434-200159-2071 at sa Bank of the Philippine Islands (BPI) Julia Vargas Avenue branch sa Pasig City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.